Saturday, July 12, 2008

KAILAN PA NGA BA UUNLAD ANG PILIPINAS

MARUMING PULITIKA, KAHIRAPAN AT KAKULANGAN SA EDUKASYON

Problema ng pilipino na hindi matapos tapos, hindi rin mabawasan bagkus ay laging nadaragdagan, dahil narin sa mga kagagawan ng mga mapansamantalang pulitiko at ng mga mapagpagamit na kababayan natin.

Ang mga problemang ito ay napakasimpleng solusyunan dahil ito ay kagagawan din naman ng sangka-Pilipinohan. Hindi kagagawan ng taga ibang bansa kundi ng mga Pilipino. Hindi ng mga pulitiko, ahensya ng gobyerno, media, relihiyon lamang kundi ng lahat ng mga Pilipino na bumubuo ng mga samahan, organisasyon at ng taong bayan.

Ang ugat nito ay kultura, tradisyon at ugali nating lahat na mga Pilipino.

No comments: